Story Behind the Song
It sucks when we've finally realized, that, the world is full of 'A' holes and Excuses!
Lyrics
KuwanKasi (by: Adore Daguio)
Ewan ko ba, kung ba't tayo ganyan
Hindi mo pa ba, ito napakinggan
Huwag na huwag mo akong sisigawan
Ang lapit mo para hindi magkarinigan
Huwag na huwag mo akong sisigawan
Hindi mo pag-aari ang aking katawan.
Ako, ako lamang, ang nakakaalam
Sa laman ng isipan at anong pupuntahan
Duwag, duwag ka nga, kung akala mong kaya
Tiris-tirisin ang hindi umaalma
Duwag, duwag ka nga kung akala mong kaya
Hindi mo lubos na kilala ang iyong binabangga
Eh, kung batukan kita,'pag 'di ka nakatingin
Eh, kung tadyakan kita,'pag ikaw ay nakatuwad
Eh, kung lasunin kita,'pag ikaw ay
lumalaklak
Eh, kung sakalin kita,'pag 'di ka nakadilat
ooh-hmm, akala mo siguro, ako'y tatanga-tanga
ooh-hmm, akala mo siguro, imortal ka
Gano ka ba, para maging siga?
Kita ng AMA, ang iyong ginagawa!
Magbago ka na, gumising ka na
ika ay isa lang taranta do'n sa 'di mo alam
Magbago ka na, gumising ka na
Kita ng iyong ina ang iyong ginagawa
Ooh-hoo, sino... lolokohin mo.
|